Home » News » News Roundup » Lady guard pinatay ng asawa

Lady guard pinatay ng asawa

By: Kate Louise B. Javier

Patay ang isang lady security guard matapos saksakin ng kaniyang lasing na asawa dahil sa sobrang selos sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Agad na binawian ng buhay si Joanna Lyn Porton nang dalawang beses undayan ng saksak ng kaniyang asawa na si Roque Porton, 29, jobless, sa kanilang tirahan sa Barangay 12, Caloocan City.

Base sa initial investigation, lasing si Roque nang dumating sa bahay dakong 7 p.m. at inakusahan ang asawa na nakikipagrelasyon sa ibang lalaki.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, kumuha ng patalim ang suspek at inatake ang babae.

Kakasuhan ng parricide ang suspek na ngayo’y nakakulong sa Caloocan Police Station.

comments