Home » News » News Roundup » Lalaki binaril sa loob ng bahay

Lalaki binaril sa loob ng bahay

By: Kate Louise B. Javier

Isang 56-taong gulang na lalaki ang binaril at napatay ng isang hindi kilalang lalaki sa loob ng kaniyang bahay sa Malabon City, Lunes ng hapon.

Sinabi ni Senior Supt. John Chua, Malabon City Police’s chief, na dead on the spot si Ernesito Tolete, ng 215 Sitio 6 Dumpsite, Barangay Catmon, Malabon City, dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.

Ayon sa police report, bigla na lang pumasok ang armadong lalaki sa bahay ni Tolete at ilang beses na pinaputukan ng baril ang biktima dakong 12:30 p.m.

Mabilis na tumakas ang gunman kasama ang isang kasapakat na nagsilbing lookout sa pamamaril.

Na-recover ng police sa crime scene ang limang basyo ng bala.

comments