By GLEN P. SIBONGA
BINIRO ni Ian Veneracion ang dalawang leading ladies niya sa ABS-CBN primetime teleseryeng “A Love To Last” na sina Bea Alonzo at Iza Calzado na masarap palang pag-agawan ng dalawang magagandang babae.
Reaksyon niya ito sa tanong namin kung ano ang masasabi niya na habang may mga pumapabor sa pagsasama ng mga karakter nila ni Bea na sina Anton at Andeng ay mayroon ding pumapanig sa pagbabalikan ni Anton at ng ex-wife nitong si Grace, ginagampanan ni Iza.
“Yun ang pinakaine-enjoy ko kapag nag-aaway sila tapos alam ko na ako ‘yung pinag-aawayan nila. Kaya nga sinasabi ko, ‘Girls, girls, relax, isa lang ako.’ Tapos sinasampal nila ako, sabay din,” biro ni Ian. “Pero about ‘yung ibang tao favoring the first wife, expected ko sa unang asawa talaga. And mayroon namang iba na gusto ‘yung present, so expected ko na ‘yun.”
Puno naman ng papuri si Ian sa dalawang leading ladies niya. Kahit na nag-aaway at nagtatarayan ang mga karakter nina Bea at Iza ay maganda raw ang samahan ng mga ito off-cam. “I can attest to that na never ko napansin na nagkaroon ng tensyon sa kanila, na mayroong competition sa kanila. The best qualities nila? Kasi nga as an actor, my job is to fall in love with this person, noong una with Iza, noong pangalawang part with Bea, hindi mo madadaya ‘yun. So, it makes my job so easy kung ‘yung katrabaho ko ay madaling mahalin.”
Ano naman ang minahal niya sa bawat isa? “Ako kay Iza, what I love about her, she has a wonderful sense of humor na unedited. Kapag may sinabi siya talagang malalaglag ka sa upuan mo, ganun kami mag-usap. Ang gusto ko naman kay Bea, sobra siyang edited, sobra siyang lola. It’s so easy to annoy her. Pag may sinabi ako na medyo may pagka-green lang na joke, nakikita ko na na-awkward siya. Pero masarap kakuwentuhan si Bea.”
Samantala, huling apat na linggo na lang ang “A Love To Last,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa ABS-CBN Primetime Bida. Pero bago ito magtapos, inaanyayahan ng cast ng teleserye ang lahat na makisaya sa kanila sa “Love Goals: A Love to Last Concert” na gaganapin sa Setyembre 8 sa Kia Theater, 8 pm. Para sa tickets, maaaring bumili online sa www.ticketnet.com.ph o tawagan ang hotline na 911-55-55.
554110 680499Hi! Excellent post! Please do tell us when I will see a follow up! 270826
778416 140599I think this web internet site has got very fantastic indited written content material articles . 385027
289413 725688hello!,I genuinely like your writing quite a great deal! percentage we maintain up a correspondence extra about your post on AOL? I need to have an expert on this location to unravel my problem. Might be that is you! Taking a appear forward to peer you. 904015
70941 469563An intriguing discussion is going to be worth comment. Im certain that you want to write much more about this subject, it may possibly not be a taboo subject but usually consumers are too few to chat on such topics. To an additional. Cheers 976754
353128 172131This web page is truly a walk-through its the internet you desired with this and didnt know who need to. Glimpse here, and youll definitely discover it. 207464
88480 433669Oh my goodness! a amazing post dude. Thanks Nevertheless My business is experiencing issue with ur rss . Do not know why Struggling to join it. Is there anybody acquiring identical rss problem? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 817540