Home » Entertainment » Barbie, ang daling makalimot

Barbie, ang daling makalimot

SA isang interbyu, sinabi ni Barbie Forteza na hindi pa siya handa makipag-kissing scene. May ginagawa siyang movie with Ken Chan, kaya natanong si Barbie kung handa na ba siyang makipag-kissing scene.

1barbie instagram copy copy

Nakalimutan na kaya ni Barbie na nakipag-kissing scene siya kay Andre Paras sa GMA series na “That’s My Amboy”? Lips-to-lips ‘yun.

Hindi kaya dahil sa boyfriend niyang si Jak Roberto, kaya ayaw ni Barbie makipag-kissing scene? Pinagbawalan kaya siya ni Jak?

Sobrang happy naman for Barbie ang good friend niyang si Bea Binene. Asked kung naiinggit ba siya dahil may lovelife si Barbie, anang “Mulawin vs. Ravena” star, for now, hindi siya naghahanap ng lovelife. Since nag-break sila ni Jake Vargas three years ago, single pa rin si Bea.

“I don’t remember the boy, but I remember the feelings,” ani Bea. Aniya, inggit-inggitan siya sa MVR co-stars niyang sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Super sweet daw ang dalawa sa set ng MVR.

Cosplay

Nahihilig sa cosplay ngayon si Thea Tolentino. Sa post niya sa Instagram account, ipinakita niya ang excitement sa bagong costume. Blonde ang wig na nakatirintas.

Next month ay may cosplay event na pupuntahan si Thea. Hula ng fans, ang karakter na Elsa ng “Frozen” ang gagawin niya. Ikinumpara pa ito sa karakter niya bilang Lucille sa “Haplos.” Tema ng magkapatid (si Ana ang kapatid ni Elsa sa “Frozen”).

Samantala, lalong sumasama ang karakter ni Thea sa “Haplos.” Maldita na’y, mukha pa siyang pera. Tinakot niya ang kapatid na si Angela (Sanya Lopez) na itutuloy ang demanda kapag hindi sila nakapagbigay ng P100,000. Nang nalaman niyang makakapagbigay ito’y pinaholdap pa niya ang kapatid.

Gay role

Ang ex-boyfriend ni Thea Tolentino na si Mikoy Morales ay sobra ang passion sa ginawang gay themed indie film.

Gumanap si Mikoy bilang Mark sa “4 Days” na na-in love sa roommate na si Derek (Sebastian Castro).

Ani Mikoy, talagang inupuan niya nang husto ang project kasama ang direktor na si Adolf Alix, Jr. Featured sa pelikula ang kanta niya “Ang Pusong Di Makatulog” na inakalang sinulat niya para sa pelikula.

Paglilinaw ni Mikoy, nagkataong katatapos lang niyang gawin ang kanta at naisip niyang babagay ito sa tema ng pelikula. Inalok niya kay direk Adolf.

comments