Home » News » News Roundup » Guard patay sa motorbike-SUV crash

Guard patay sa motorbike-SUV crash

By: Alexandria Dennise San Juan

Patay ang isang security guard nang bumangga ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa isang SUV habang papauwi sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Chief Inspector Manolo Refugia ng Quezon City Police District Traffic Sector 4 ang biktima na si Norasco Parilla Jr..

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang SUV driver na si Lodgero Martinico.

Nakunan ng closed-circuit television ng Barangay Sacred Heart ang aksidente na naganap dakong 12:08 p.m.

Ayon sa police report, bumangga sa kanang bahagi ng SUV ang motorsiklo ni Parilla sa Scout Ybardolaza Street.

Isinugod si Parilla sa East Avenue Medical Center ngunit namatay siya habang nilalapatan ng lunas dahil sa pinsala sa ulo at katawan.

comments