Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » ASEAN campus forum sa Bataan

ASEAN campus forum sa Bataan

SAN FERNANDO, Pampanga (PIA) – Idaraos ngayong linggo ng Philippine Information Agency o PIA Region 3 ang ikalimang ASEAN Campus Forum nito sa Bataan Peninsula State University o BPSU.

Ayon kay PIA Regional Director William Beltran, layunin ng mga campus forum na ipaalam at hingin ang suporta ng mga kabataan sa Philippine Chairmanship ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN ngayong 2017.

Itatampok rito ang mga diskusyon patungkol sa mga layunin ng Philippine Chairmanship at ang Political-Security, Economic, and Socio-Cultural Community Pillars ng naturang regional bloc.

Ipapaliwanag rin ng mga kinatawan mula National Economic and Development Authority ang AmBisyon Natin 2040.

Nauna nang nagkaroon ng Banga Painting contest bilang ancillary activity kung saan i-a-anunsyo ang mga nanalo sa Campus Forum proper.

Bago ang BPSU, nagsagawa ang PIA ng ASEAN Campus Forum sa Tarlac State University, Central Luzon State University, Aurora State College of Technology, at Tarlac Agricultural University.

comments