By RUEL J. MENDOZA
HINDI nakapagtataka kung bakit sobrang sexy ngayon ang Filipino-Korean actress na si Jinri Park dahil seryoso at dedicated ito sa kanyang pag-training sa martial arts na Jiu-jitsu.
Inamin ni Jinri na dati ay bilugan ang katawan niya at hirap siyang maka-achieve ng muscles at abs, ngayon, dahil sa na-in love siya sa Jiu-jitsu, napalitan ang mga fats niya ng muscles.
Sa isang video posted on Ultimate Fitness’ Facebook page, nag-share si Jinri ng kanyang pinagdaanan para maging fit ang kanyang katawan. Ngayon ay handa na siyang makipag-compete sa isang Jiu-jitsu competition.
“A lot of the coaches were saying I should try out competing. It would be a different experience. You’ll get more motivated. And I was so scared to compete because I knew I wasn’t that level of joining a competition. I know I would probably lose.”
Hindi nanalo si Jinri sa unang pag-compete niya, pero hindi raw iyon ang magpapatigil sa kanya na lumaban ulit.
“It really pushed me to think na for the next competition, I’m going to make sure I’m going to win. It really drove me and after that, I started coming to the morning class every day. Sometimes I would train two times a day, because I was really hungry for that gold medal,” sey pa ni Jinri.
Sa sumunod na competition ni Jinri, napanalunan na niya ang unang gold medal niya.
“I joined the national competition, it’s called Nationals and it’s a pretty big competition in the Philippines and finally I won my gold medal there,” masayang balita pa niya.
Patuloy na nakikipag-compete si Jinri internationally, pero nagkaroon pa rin siya ng time na makapagtrabaho sa teleserye na “My Korean Jagiya” kunsaan gumaganap siya bilang si Hannah Lee, ang secret admirer ng South Korean actor na si Alexander Lee.
May balita pa ngayon na nagkakamabutihan na sila ni David Kim, isa rin sa co-star niyang South Korean actor sa “My Korean Jagiya.”
“We’re just friends. I love his company and he’s such an interesting person,” pagtapos ni Jinri Park.