Home » Entertainment » JLC at Ellen, seryosohan na ba or playtime lang?

JLC at Ellen, seryosohan na ba or playtime lang?

AKSIYUN-aksiyunan at superhero ang karakter ni Marian Rivera sa upcoming GMA series niyang “Super Ma’am.” Parehas sila ng husband niyang si Dingdong Dantes na aksiyun-aksiyunan at super hero rin ang karakter sa “Alyas Robinhood.”

Maganda sigurong pagsamahin sila sa future project, “Alyas Robinhood meets Super Ma’am.”

12 marian copy copy

Nag-action at nag-super hero na rin si Marian sa “Darna,” kaya excited siya muli na magagawa nanaman niyang mag-aksiyon sa “Super Ma’am.”

Malaking bahagi ng kuwento nito’y ang Tamawo, isang mythical creatures sa Philippine folklore. Kakalabanin ni Super Ma’am ang mga Tamawo, kaya kaabang-abang kung anong klaseng nilalang ang mga ito.

Tribute ang “Super Ma’am” sa mga masisipag at dedicated teachers at mapapanood simula September 18 kaugnay ng National Teachers’ Month ngayong buwang ito.

Very promising

Maalagaan lang nang husto at mabigyan ng right projects si Bianca Umali, chances are, siya ang next important star ng GMA Network. Very promising ang career ng 17-year old Kapuso star.

Fierce at agaw-pansin ang ganda ni Bianca sa cover ng isang online magazine. Maraming netizens ang pumuri sa mala-top model look ng “Mulawin vs. Ravena” star na habang nagkakaedad ay nagbu-bloom at gumaganda. Ibang klase ang ganda ni Bianca na parang buhay na Barbie doll.

Walang makitang mali sa mukha niya at sana’y huwag niyang maisipang ipagalaw o iparetoke pa.

Ayon sa write-up ng magazine, isa si Bianca sa mga most promising artists of her generation dahil sa mga na-achieve niya at such a young age. Huwag lang sanang madiskaril ang career ni Bianca nang dahil sa pag-ibig. Hinay-hinay lang muna sa nararamdaman niya for Miguel Tanfelix, her love interest in “Mulawin vs. Ravena.” Last four nights na lang ito at kaabang-abang ang mga kaganapan nito.

Seryoso na?

Seryoso na kaya ang kung anumang namamagitan ngayon between John Lloyd Cruz and Ellen Adarna? Or, hindi kaya playtime, playtime lang sila?

Diumano, ipinakilala na ni Ellen si JLC sa pamilya niya sa Cebu. Nagkalat din sa social media ang kanilang videos at sweet photos na kuha sa isang beach resort sa Cebu. ‘Baby’ ang tawag ni JLC kay Ellen.

Walang kumpirmasyon, walang denial ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Ano kayang reaction ni Angelica Panganiban?

comments