Home » Entertainment » Ana Capri gustong makatrabaho ulit sina Nora at Vilma

Ana Capri gustong makatrabaho ulit sina Nora at Vilma

By GLEN P. SIBONGA

MEMORABLE para kay Ana Capri ang pagkapanalo niya ng Movie Supporting Actress of the Year para sa pelikulang “Laut” sa nakaraang 33rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.

Untitled-2 copy

Kasabay rin kasi niyang nanalo ng gabing iyon ang kanyang mga idolong sina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos, na nag-tie para sa Movie Actress of the Year. Siyempre nasaksihan din niya ang bihirang pagsasama ng dalawang living legends at icons ng Philippine showbiz nang parangalan ang mga ito ng special award na Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino.

Kaya naman sinamantala niya raw na makapagpa-picture kina Ate Guy at Ate Vi pagkatapos ng group photo ng winners.

“Ang bait-bait nila pareho. Starstruck pa rin ako sa kanila kahit na isa ako sa winners ng gabing iyon. Sabi ko nga, ‘Ay naku, hindi talaga ako aalis ng stage na ito hangga’t hindi ako nakapag-photo op kay Ms. Nora at Ms. Vilma,’” sabi ni Ana.

Ipinagmamalaki rin ni Ana na nakasama na niya sa magkahiwalay na pelikula ang dalawang big stars, si Ate Guy sa “Pare Mahal Mo Raw Ako” (2016) at si Ate Vi sa “Dekada ’70” (2002).

Pag-alala ni Ana sa pagtatrabaho nila ni Ate Vi, “Nung ginawa ko ‘yung ‘Dekada’ ang first kong eksena ay with Ate Vi agad. Monologue pa siya, siyempre kay Direk Chito Roño kailangan gumagawa ka ng homework, di ba? Tapos nag-monologue ako kaharap ko si Ate Vi. Alam mo ‘yung umaatras talaga ‘yung mga daliri mo sa paa sa nerbiyos. Tapos napaka-supportive niya, kaya ayun ‘yung mga daliri ko medyo lumambot-lambot na.”

Kuwento naman niya sa pagsasama nila ni Ate Guy. “Nagkasama kami sa ‘Pare Mahal Mo Raw Ako.’ Tapos girlfriend niya ako. Sabi ko nga kay Direk Joven Tan, ‘Hay naku kung kailangan diyan ng kissing scene, I am willing to do that.’ If ever you will do that sa big screen, siyempre you’ll be proud dahil ginawa mo iyon with Nora.”

Pareho raw generous at mabait sa co-actors nila sina Ate Guy at Ate Vi kaya naman gusto raw ulit makatrabaho ni Ana ang dalawa. Nang malaman nga niya na open ang dalawa na muling magsama sa isang pelikula, wish ni Ana na sana ay mapabilang siya sa cast nito dahil another history in the making daw ito.

comments