Home » Entertainment » Kapuso hunk Ivan Dorschner wants to try comedy

Kapuso hunk Ivan Dorschner wants to try comedy

NAKABALIK na ang Kapuso hunk na si Ivan Dorschner mula sa kanyang isang buwan na bakasyon sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Nagkuwento pa si Ivan na sinulit niya ang pakikipag-bonding sa pamilya niya roon.

“As soon as I arrived there a month ago, we planned a lot of activities.

“I really missed doing things with my whole family, especially with my dad.

 Ivan Dorschner (Instagram)

Ivan Dorschner (Instagram)

“We went to the places we always loved to eat, have fun and talk about many things.

“Now that I’m back, I’m kinda missing them again.

“But there’s always Skype, Facebook and Instagram where we can always communicate any time of the day,” ngiti pa niya.

Very proud ang family ni Ivan dahil sa tinamasa niyong popularidad dahil sa naging teleserye niya na “Meant To Be” sa GMA-7.

“My dad said that he’s so proud of me. Kung proud siya dati, I think times two na, mahigit pa, nire-record niya lahat ng episodes ng ‘Meant To Be.’

“They love the show and they would give me comments on my acting. Marunong na raw akong umarte,” tawa pa niya.

Dumalo rin si Ivan sa Sundance Next Festival sa California, kung saan pinagkaguluhan siya ng mga Pinoy roon. Tinatawag nga raw siyang Ethan, ang karakter niya sa “Meant To Be.”

Bumalik si Ivan dahil isa siya sa guest nila Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz sa Triplets concert noong nakaraang Sept. 9 sa Music Museum. Pinagkaguluhan nga ng audience ang Hagibis number nila nila Jak Roberto, Addy Raj at Ken Chan.

Para sa next project ni Ivan, gusto naman daw niyang subukan ang comedy.

“Gusto kong gumawa ng comedy. Actually, comedy is much more difficult kaysa drama. I want to test myself as a comedian naman,” pagtapos pa niya. (Ruel J. Mendoza)

comments