Home » News » News Roundup » Lalaki nawala sa Pasig River

Lalaki nawala sa Pasig River

By: Betheena Kae Unite

Patuloy ang search and rescue operations para sa lalaking tinangay ng malakas na alon habang naliligo sa Pasig River noong Linggo.

Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biktima na si Bido Roger Escamella, nasa edad 40 to 45, may taas na 5’3, at residente ng Barangay Pineda, Pasig City.

Ayon sa report, lumalangoy si Escamella sa Pasig River nang tangayin ng alon sa mas malalim na parte ng ilog kung saan siya naglaho.

Nagsagawa ang Coast Guard Sub-Station ng search and rescue operations sa kahabaan ng Pasig River ngunit nabigo silang matagpuan ang biktima.

comments