Home » News » News Roundup » QC resident binaril sa loob ng bahay

QC resident binaril sa loob ng bahay

By: Alexandria Dennise San Juan

Patay ang isang lalaki nang barilin ng isang nakamaskarang salarin habang nagpapahinga sa kaniyang bahay sa Quezon City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Jommel Gabriel, 42, ng 3rd Street, Barangay Pasong Tamo.

Ayon sa live-in partner ni Gabriel na si Sarah Carreon, busy siya sa pag-aayos ng sarili sa loob ng kanilang bahay dakong 8:30 p.m. nang marinig niya na may nagbukas ng kanilang gate.

Makalipas ang ilang minuto, nakita niya ang isang lalaking naka-black face mask na nakasilip sa kanilang bintana.

Nang makita ng suspect si Gabriel, agad siyag bumunot ng baril at pinaputukan ng dalawang beses ang biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspect sakay ng isang motorsiklo. Dead on the spot si Gabriel dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

comments