Home » Entertainment » Kim, handang labanan si Marian

Kim, handang labanan si Marian

Magkapatid ang roles nina Marian Rivera at Kim Domingo sa “Super Ma’am,” kaya sobrang thankful si Kim kay Marian na pumayag itong maging kapatid niya sa bagong GMA fantaserye. Nagsimulana ito noong Lunes pagkatapos ng “24 Oras.”

Wala pa silang nakukunang eksena together, kaya looking forward si Kim sa pagkikita nila ni Marian sa taping. Una silang nagkita noong photo shoot ng “Super Ma’m” na ani Kim, nahiya at nailang siya dahil hindi niya alam kung paano kikilos sa harap ni Marian.

Super sweet daw at mabait pala si Marian na parati itong nakangiti at mahilig mang-yakap.

Nang sabihin kay Kim ng isang reporter na natutuwa si Marian nakatrabaho siya, kilig-kiligan si Kim. Sobrang idol daw niya kasi si Marian at dream come true na makaka-work niya ito. May fight scenes sila sa “Super Ma’am” na ani Kim, pinaghandaan niya.

Nag-training siya ng aerial yoga at mixed martial arts.

Di pipigilan

Sa December 11 this year ang Christian wedding nina Pancho Magno at Max Collins. Four years or so na ang relasyon nila na ani Pancho, hindi niya pipigilan ang kanyang future wife kung gusto pa nitong mag-showbiz kahit kasal na sila.

Si Pancho naman ay tuloy pa rin sa kanyang showbiz career. Ayaw niyang ma-stress sa paghahanda sa kasal nila ni Max.

Cool lang si Pancho kahit na sa taping siyang “Haplos.” Minsan ay nagbibiruan pa silang co-stars niyang sina Rocco Nacino, Sanya Lopez at Thea Tolentino.

Isang registered nurse si Pancho at nakapag-work na siya sa isang hospital. Pero mas enjoy siya bilang aktor, kaya focused na lang siya sa kanyang acting career.

Debut movie

Sa presscon ng “The Debutantes,” nagkabiruan ang grupo ng mga reporter nang ipakilala si Jane de Leon. Hindi raw kaya anak ito ni Joey de Leon o Christopher de Leon?

Singer pala si Jane na ipinadala para sa isang international competition sa Los Angeles, USA along with Bailey May, Ylona Garcia at iba pang young singers.

Si Bailey lang ang napili. First movie ni Jane ang “The Debutantes” at nagpapasalamat siya sa mag-inang Lily at Roselle Monteverde. Kasama niya sa movie ang mga bagong Regal Millennial babies na sina Miles Ocampo, Chanel Morales, Michelle Vito at Sue Ramirez. Showing on October 4 ang “The Debutantes”, “directed by Prime Cruz.

comments