Home » News » News Roundup » Businessman pinatay sa jeep

Businessman pinatay sa jeep

Patay ang isang 78-year-old businessman nang barilin sa ulo at leeg ng mga nakamotorsiklong salarin habang nakasakay sa Malabon City noong Martes ng gabi.

Kinilala ng police ang biktimang si Eden Chuannico, 78, ng Mayland Street, Cubao, Quezon City.

Base sa initial investigation, nakasakay si Chuannico sa jeepney papuntang Obando, Bulacan, nang barilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Governor Pascual, Barangay Potrero, Malabon City, dakong 7:30 a.m.

Isinugod ang biktima ng mga rumesponding tauhan ng Police Community Precinct 2 at isang Edgardo de Guzman, jeepney driver, sa Manila Central University (MCU) Hospital ngunit ideneklara siyang dead on arrival.

Ayon sa police, posibling planado ang pagpatay dahil mukhang alam ng gunmen ang pagsakay sa jeep ng biktima.

Inaalam pa ng police kung may closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar na maaring magbigay liwanag sa krimen.

comments