Home » News » News Roundup » Trike driver pinatay sa harap ng anak

Trike driver pinatay sa harap ng anak

By: Jean Fernando

Patay ang isang tricycle driver nang barilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa harap ng kaniyang limang taong gulang na anak sa Pasay City Huwebes ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Ricardo Claudio dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo at mukha.

Ayon kay Senior Supt. Dionisio Bartolome, Pasay City police chief, naganap ang insidente dakong 9 p.m. sa kanto ng Hidalgo at Lakandula Streets sa Barangay 66 Zone 8, Pasay City.

Sinabi ni Bartolome na base sa CCTV footage ng barangay, dumating ang anim na lalaki sakay ng tatlong motorsiklo. Isa sa kanila na nakasuot ng bull cap ang bumaba sa motor at binaril ang biktima sa harap mismo ng kaniyang anak.

Mabilis na ni-rescue ng mga barangay tanod ang umiiyak na bata habang humarurot palayo ang mga salarin patungong Arnaiz Avenue.

Na-recover ng police sa crime scene ang dalawang slugs mula sa 9mm pistol.

comments