Home » News » News Roundup » Gambler gunned down

Gambler gunned down

By: Alexandria Dennise San Juan

Binaril at namatay ang isang lalaking naglalaro ng cara y cruz sa Barangay Batasan Hills, Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police District ang biktima na si Jerry de Vera, 39.

Ayon sa police, naglalaro ang biktima kasama ang kanyang kasamang si Mark Rafael Flores, 25, sa Kalusugan corner Kabihasnan Streets nang dumating ang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo.

Pinagbabaril ng mga suspect ang biktima. Nasugatan naman si Flores ng stray bullet.

Dead on the spot si De Vera at tumakas ang mga suspect samantalang dinala sa ospital si Flores.

Inaalam na ng mga police ang motibo ng insidente.

comments