Home » News » News Roundup » Lalaki pinatay sa bugbog

Lalaki pinatay sa bugbog

By: Glendel Nazario

Patay ang isang 27-taong gulang na lalaki nang bugbugin ng apat na salarin matapos makipag-inuman sa mga mga kaibigan sa 2609 Alley 2 Jesus Street, Pandacan, Manila, noong Linggo.

Kinilala ng police ang napatay na si Lawrence Tenorio. Nasa police custody na ang mga umatake sa biktima na nakilalang sina Jose Mari Galit alias “Jomar” 25; Mark Joseph Galit alias “Joseph” ,18; Gilbert Torres alias “Momoy”, 19; at Wilfredo Mia Jr. alias “Junior” 20.

Base sa initial investigation, nakikipag-inuman ang biktima sa kaniyang mga kaibigan nang mapadaan si Jose Mari. Sa pag-aakalang isa siya sa kaniyang mga kaibigan, pabirong binato ni Lawrence si Jose Mari ng fried corn.

Nagalit si Jose Mari at hinamon ng suntukan ang biktima. Naawat naman ang dalawa ng kanilang mga kasamahan ngunit bumalik si Jose Mari kasama ang iba pang suspek at binugbog nila ang biktima.

Isinugod ng mga kaibigan si Lawrence sa Sta. Ana Hospital ngunit ideneklara siyang dead on arrival.

comments