Home » News » News Roundup » 2 patay sa road crash

2 patay sa road crash

By: Alexandria Dennise San Juan

Patay ang isang massage therapist at ang driver ng kaniyang service motorcycle matapos silang mabangga ng isang transport network vehicle (TNV) sa Barangay Mariana, Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Nurdi Mursidi ng Quezon City Police District Traffic Sector 4 ang therapist na si Lovely Pesimo, 26, at and driver na si Rolando Olarte, 34.

Ayon kay Murisidi, si Pesimo na isang on-call therapist ay papunta sa kaniyang pasyente habang ang TNV driver na nakilalang si Kathleen Asid, 36, ay naghahatid ng kaniyang pasahero sa lugar nang maganap ang aksidente.

Nakita sa closed-circuit television clip na minamaneho ni Asid ang kaniyang Toyota Vios ( VR-3252) sa kahabaan ng 6th Street patungong Balete Drive dakong 10:30 p.m.

Nang makarating sa intersection ng Doña Hemady at 6th Streets, nahagip ng sasakyan ni Asid ang kaliwang bahagi ng motor na minamaneho ni Olarte. Dead on arrival sa ospital and dalawang biktima.

comments