Home » Entertainment » Ash Ortega laughs at rumors linking her to Revillame

Ash Ortega laughs at rumors linking her to Revillame

By RUEL J. MENDOZA

PINAGTATAWANAN na lang ng 18-year old Kapuso actress na si Ash Ortega ang tsimis tungkol sa kanila ng TV host na si Willie Revillame.

27Ash Ortega copy

Simula raw na kunin si Ash bilang isa sa co-host ng”Wowowin,” doon na raw nagsimula ang tsismis.

“Lahat naman kami very close kay Kuya Will.

“Bunso ang tawag nila sa akin. Turing ko kay Kuya Will ay kuya talaga.

“He’s not just our kuya, but he’s also our tatay, our best friend. Lahat kami ay family para kay Kuya Will,” diin ni Ash.

Minsan na raw nabanggit ni Ash kay Willie ang malisyosong pag-link sa kanila ng ilang netizens.

“Natawa lang si Kuya Will. Sabi pa niya, ‘Paano tayo mali-link, eh anak kita rito sa show. Lahat kayo anak ko. Hindi puwedeng gawin nilang issue ‘yon.’

“He advised me na huwag na lang pansinin ang mga iyon. Sabi ko naman na pinagtatawanan ko lang,” sey pa niya.

Malaki raw ang nagawa ng “Wowowin” sa career ni Ash na noon ay pasulpot-sulpot lang sa mga teleserye ng GMA-7.

“It all started when I did the Jollibee commercial with Enrico Cuenca na ‘Crush.’

“Parang it changed a lot sa career ko. From just being an actress, nag-evolve ako to a TV host which I love doing every day kasi ang saya lang.

“But of course, I also love to act. Kaya happy ako na sinama ako sa ‘Super Ma’am.’

“I play a kikay student na walang interes mag-aral. Tapos magkakaroon ako ng crush sa math teacher namin played by Enrico.”

Kasama rin sina Ash at Enrico sa horror movie na “The Spirit of the Glass 2: The Haunted” na mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

May malaking following na raw ang team-up nila ni Enrico.

comments