Home » Entertainment » 2 aktor suki ng gay bar sa HK

2 aktor suki ng gay bar sa HK

By: Dante “Danz” A. Lagana

KALAT na rin pala sa mga Pinoy sa Hong Kong na kung saan suki ang dalawang active pa rin na actor sa isang gay bar doon.

Napagalaman ng TEMPO na palaging nagpupunta ang dalawang actor na ito pero hindi naman daw sila sabay nagtutungo.

Baka raw siguro magkagulatan ang dalawa na parehas pala sila ng specialty.

Hindi raw solo kung magpunta ang dalawang bida ng kuwento dahil may mga “amiga” rin silang kasama.

Pero dahil sa dami ng mga Pinoy doon, hindi nakaligtas ang mga mapanghusgang mga mata ng mga Pinoy sa Hong Kong. Ayon sa aming source na manager ng isang restaurant sa Hong Kong, nakikita raw palagi ang dalawang actor na ito doon sa gay bar na malapit sa kanyang work.

Malamang may kinahuhumalingan sila doon kaya pabalik-balik ang parehong may edad ng actor ayon sa aming source.

Hindi na bago ang tsismis sa showbiz industry ang pagkatao ng dalawang actor na ito. Pero dahil sa nakita ng kapwa Pinoy na pumasok sila sa isang gay bar nag I therefore conclude na ang source na “confirmed” daw.

Ang unang actor ay naging action star at magaling mag-host. Samantalang ang pangalawang actor ay mahusay sa larangan ng aktingan.

Parehong nakapag asawa at nagkaroon ng anak ang dalawang actor na ito.

comments