Home » Entertainment » Kapuso star, sinampal ni Nora Aunor

Kapuso star, sinampal ni Nora Aunor

NAG-RENEW kamakailan si Dingdong Dantes ng kanyang commitments sa Philippine Marines bilang reserved force. Unang naging bahagi ng naturang organization ang Kapuso Prime Time King kung saan parte siya ng technical service battalion na kinabibilangan ng mga doktor, abogado at iba pang propesyon.

29nora-aunor copy copy

Siyempre, super proud ang wife ni Dingdong na si Marian Rivera. Hindi lang kasi nakatutok ang husband niya sa pagiging aktor, kundi sa ibang larangan din na handa itong maglaan ng oras kapag kinakailangan ang serbisyo nito sa ibang aspeto.

Samantala, sa Instagram feed ni Shyr Valdez na co-star ni Marian sa “Super Ma’am,” bilib si Shyr sa real life grandmother ni Marian na si Nanay Iska. Eighty-six years old na ito, pero nag-e-effort pa itong dalawin si Marian sa taping ng “Super Ma’am.” Kaligayahan na raw nito na makita ang apo.

Bukod sa BTS (behind-the-scene) photos sa set na ipinost ni Shyr, kasama rin sa picture si Nanay Iska. Bilib si Shyr dahil hindi ito namimili ng lugar ng taping, basta naisipan nitong dalawin si Marian bilang suporta sa apo. Lalo namang ginaganahan magtrabaho si Marian kapag dinadalaw siya ng kanyang lola. Lola’s girl kasi siya.

Sinampal

Early next year mag-e-expire ang kontrata ni Diva Montelaba sa GMA Artist Center ng Kapuso Network. May mga nagtatanong nga raw sa kanya kung lilipat siya gaya ng ibang Kapuso stars. Ani Diva, masaya naman siya sa GMA. Hindi siya pinababayaan at parati siyang may project.

Produkto si Diva ng “Starstruck” at eight years na siyang Kapuso. Napapanood siya sa “Haplos” bilang Wendy. Okey lang kahit character roles ang ibinibigay sa kanya sa mga ginagawa niyang teleserye, ani Diva. “ Basta may trabaho. Hindi ko naman goal magbida,” she said.

Sa mga character actress, idol niya si Cherie Gil at gusto niya itong sampalin sakaling magkatrabaho sila. “Ang sarap niya sigurong ka-eksena. Ang galing-galing niyang aktres,” “sabi ni Diva.

Nakatrabaho naman ni Diva si Nora Aunor sa isang episode ng “Magpakailanman” kung saan sinampal siya nito sa isang eksena. “Medyo nabingi ako sa lakas ng sampal niya. Kahit maliit siyang babae, ang bigat ng kamay niya. Okey lang, superstar naman ang sumampal sa akin,” ani Diva.

comments