Home » Entertainment » Newbie, nangabog sa Star Magic Ball

Newbie, nangabog sa Star Magic Ball

TATLONG Kapuso stars ang dumalo sa Star Magic Ball 2017. Sina Heart Evangelista with husband Senator Chiz Escudero, Megan Young with Mikael Daez, and Janine Gutierrez with Rayver Cruz.

3kisses starmagic instagram copy

Just curious, nagkita kaya si Janine and her ex-boyfriend, Elmo Magalona na si Janella Salvador ang date sa SMB? What about Jericho Rosales and Heart? Nasa Paris ang wife niyang si Kim Jones, kaya hindi niya ito kasama sa SMB.

Sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo, nagkita kaya? Kasama ni Kristine ang husband niyang si Oyo Sotto. Sino naman kaya ang date ni Diether?

Kabog

Kinabog ni Kisses Delavin ang ibang Star Magic talents dahil siya ang tinanghal na female best dressed sa SMB 2017.

Ang ka-love team niyang si Marco Gallo ang male best dressed. Si Francis Libiran ang designer ng gown ni Kisses na aniya, four months ginawa at pinag-isipan nila ni Libiran ang disenyo ng kanyang gown. Ito rin ang gumawa ng gown na isinuot ni Kisses noong debut party niya a few months ago.

Bet namin ang white gown ni Julia Barretto na si Mark Bumgarner ang designer. Simple and elegant ang dating na bumagay sa simpleng hairstyle ni Julia.

Bonggacious din ang gowns nina Kim Chiu, Maymay Entrata at Elisse Joson na si Michael Leyva ang designer, Liza Soberano by Christian Dior, Kathryn Bernardo by Patricia Santos. Sa coverage ng ANC sa Star Magic Ball, nahagip ng kamera ‘yung pag-ayos ni Daniel Padilla ng gown ni Kathryn sa kanilang photo op. ‘Kaaliw panoorin. Si Kathryn ang tinanghal na Pond’s Brightest Star of the Night, si Julia Barretto ang Pond’s Belle of the Ball, Couple of the Night sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Enrique Gil at Liza Soberano na sila rin ang Close-Up Couple of the Night.

Umiwas

Dumating si John Lloyd Cruz sa SMB, pero hindi siya rumampa sa red carpet. Dumiretso na siya sa ball room ng Makati Shangri-La Hotel at umiwas magpainterbyu. Nakita lang namin sa PEP.ph lumabas ang mga picture niya kasama ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde. Meron ding kasama ni JLC sina Maja Salvador at Martin Nievera at ‘yung magkayakap sina JLC at Bea Alonzo.

Naka-shades pa si John Lloyd, eh gabi ang affair. Nowhere in sight si Ellen Adarna. Nagkita kaya si JLC and his two ex-GF’s na sina Angelica Panganiban at Shaina Magdayao?

comments