Home » News » News Roundup » Cop patay sa accidental firing

Cop patay sa accidental firing

By: Analou de Vera

Patay ang isang pulis matapos na aksidenting pumutok ang kaniyang service firearm na nililinis niya noon sa loob ng kaniyang tahanan sa Sta. Cruz, Manila, Lunes ng hapon.

Dead on the spot si Police Officer 1 Jourdan Gabrielle Asistio, 28, naka-assign sa Manila Police District Station 3, matapos tamaan ng bala sa bunganga na nag-exit sa likod ng kaniyang ulo, ayon sa police report.

Bago ang insidente, hiniram ni Asistio ang firearms cleaning kit sa kaniyang brother-in-law na Dino Dizon, 29, at bumalik sa kaniyang silid dakong 2:30 p.m.

Ayon sa ate ng biktima na si Jona Laine, nakita niya ang kaniyang kapatid na pinupunasan ang baril gamit ang basahan dakong 3:45 p.m.

Ilang minute pa nakalipas, nilapitan ni Jona Laine ang kapatid para kausapin tungkol sa kotse na kanilang bibilhin sa Navotas City. Sa puntong ito, biglang pumutok ang baril ni Gabrielle.

Agad na tinawag ni Jona Laine ang ama na siya namang nag-report sa police ng nangyari.

Patuloy na iniimbestigahan ng police ang insidente.

comments