Home » Entertainment » Benjamin finds Maxine ‘a natural actress’

Benjamin finds Maxine ‘a natural actress’

By: Ruel J. Mendoza

VERY lucky daw ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves na naging leading lady niya sa horror film na “Spirit of the Glass 2: The Haunted” si 2016 Miss Universe Philippines na si Maxine Medina.

5benjamin n maxine copy

Kahit na first time to act sa big screen si Maxine, mabilis at napaka-natural daw umarte nito kaya naging madali para rito gawin ang mga eksena niya sa first movie nito.

“Sa first meeting pa lang ng cast, nag-workshop na po kami at masaya na po at magaan na pong kasama si Maxine.

“With Max, she’s a natural actress. Magaling po siya for a first time actress. There’s a lot to expect from her in this film.

“Start ng workshop namin, nag-usap na kami and magaan rin ‘yung loob ko sa kanya since we are both managed by Mercator,” diin ni Benjamin.

Lovers ang roles nila Benjamin at Maxine sa naturang movie. In real life, pareho silang may lovelife. Si Benjamin ay rumored boyfriend ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose at si Maxine ay boyfriend ang model-actor na si Marx Topacio.

Very supportive daw ang mga real-life partners nila sa tambalan nila sa movie.

Sey pa ni Maxine, tapos na raw siya sa mga beauty pageants. Noong ipasa niya ang korona at sash niya sa bagong Miss Universe Philippines na si Rachel Peters, ibang mundo na ang pinasok niya at ito ay ang pag-arte.

“I’m done with pageants and eto na ‘yung bago kong journey so, yeah, ine-explore ko siya ngayon and I’m thankful na marami pa ring taong sumusuporta sa akin,” ngiti pa ni Maxine..

Si Jose Javier Reyes ang writer-director ng “Spirit of the Glass 2” at kasama rin sa cast sina Cristine Reyes, Janine Gutierrez, Daniel Matsunaga, Ash Ortega at Enrico Cuenca.

comments