Home » Entertainment » Janine, may pangako sa press

Janine, may pangako sa press

NAGSISIMULA sa letter T ang ipapangalan nina Vic Sotto at Pauleen Luna sa kanilang baby girl na isisilang ni Pauleen sa November or December this year.

5janine n rayver instagram copy

Kamakailan ay ginanap ang baby shower, pero hindi ini-reveal ng mag-asawa ang buong pangalan ng kanilang baby.

Gusto nilang sa “Eat Bulaga” ipahayag, kaya inaabangan ‘yun ng EB viewers. Pang-limang anak na ni Vic ang isisilang ni Pauleen. Dalawa ang anak niya sa ex-wife niyang si Dina Bonnevie, sina Danica at Oyo.

Isa kay Coney Reyes, si Vico at isa kay Angela Luz, si Paulina. Si Vico na lang ang wala pang asawa sa mga anak ni Vic.

Sa isang interbyu kay Vic, sinabi niyang after 26 years ay magiging tatay siyang muli, kaya excited siya.

Friends na lang

Hindi pala gaanong mahilig manood ng foreign movies si Joyce Ching. Aniya, mas gusto niya ang local movies. Latest na pinanood niya ang “Bar Boys,” “Pauwi Na,” “Patay na si Jesus” at “Silong.”

Kaya naman, marami ang humahanga sa “Super Ma’am” star. ‘Yung ibang ka-edad ni Joyce (early 20’s) ay deadma sa Pinoy movies at mas pinapatronize nila ang foreign films.

She plays Dalikmata in “Super Ma’am” na ang ex-boyfriend niyang si Kristoffer Martin ang love interest niya. He plays Ace at this week na lalabas (o lumabas na) ang kanyang karakter.

Both denied na nagkabalikan sila. May non-showbiz girlfriend si Kristoffer. Single pa rin si Joyce.

Extra-special

Nangako si Janine Gutierrez na kapag officially together na sila ni Rayver Cruz ay ipapaalam niya ‘yun sa entertainment press. Mukhang hindi na kailangang gawin ‘yun ni Janine dahil obvious namang may “something” nang namamagitan between her and Rayver.

Si Janine ang date ni Rayver sa nakaraang Star Magic Ball na conclusion ng kanilang fans, “sila” na. Umuwi siya agad sa Pilipinas mula sa kanyang birthday vacation sa Bali, Indonesia para sumama kay Rayver sa SMB.

Anang fans, extra-special si Rayver kay Janine, kaya ginawa niya ‘yun. Ano pa raw bang ibig sabihin nu’n? Kinilig ang fans sa post ni Rayver sa social media na “Thank you for making my star magic ball extra memorable and special.”

Ano naman kaya ang pasalubong ni Janine kay Rayver? At ano naman kaya ang birthday gift ni Rayver kay Janine?

comments