Home » Entertainment » Jason asked for a sign before network transfer

Jason asked for a sign before network transfer

By: Ruel J. Mendoza

INAMIN ng award-winning Kapamilya actor-turned-Kapuso na si Jason Abalos na pinagdasal niya ang paglipat niya sa GMA-7.

9jason instagram copy

Naghintay daw ang aktor ng sign kung itutuloy ba niya o hindi ang paglipat niya ng TV network.

“Siyempre excited. Panibagong journey sa pagiging artista. Masaya lang.

“Actually matagal ko pong pinag-pray na parang mayroong panibagong pinto na magbukas. Na magbigay sa akin ng pagkakataon.

“Feeling ko parang may sign na rin para pumunta ako dito eh,” ngiti pa niya.

Excited na si Jason sa mga projects na gagawin niya bilang isang Kapuso.

“Parang bagong mundo para sa akin ito eh.

“Siyempre po kung ano man ‘yung maging trabaho ko sa pinanggalingan ko, puwede kong madala dito.

“Tsaka mas magpursige pa para mas maganda pa ang kalabasan.

“Bago lahat eh, bagong mukha, bagong environment, bagong adventure.

“Isa pong malaking desisyon para sa akin ito, gusto ko lang subukan ang kapalaran ko sa GMA,” diin niya.

Kabilang sa mga gusto niyang makatrabaho ay sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado.

“Lahat kasi ng mga nandito magagaling tulad nila Jennylyn at Marian. So ako po kahit po sino ibigay sa akin para ipares sa ‘kin ng GMA, paghuhusayan ko po,” paniguro pa ni Jason.

Produkto si Jason ng reality artista search ng ABS-CBN 2 na Star Circle Quest 2 noong 2004.

Kahit hindi siya ang nanalo, nabigyan siya ng maraming proyekto at nanalo na siya ng ilang best actor awards para sa mga pelikulang “Adela at Endo.”

Huling teleserye ni Jason sa Dos ay “Langit Lupa.”

Dahil sa pagiging Kapuso niya, dumagsa ang mga pagbati kay Jason mula sa mga kapwa Kapuso na niya. Kabilang sa mga bumati kay Jason ay sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Carla Abellana, Glaiza de Castro, Edgar Allan Guzman at marami pang iba.

comments