Home » Entertainment » Barbie not yet ready for kissing scenes

Barbie not yet ready for kissing scenes

By RUEL J. MENDOZA

HINDI pa raw mapapanood na makikipaghalikan si Barbie Forteza sa kanyang leading man na si Ken Chan sa pelikulang “This Time I’ll Be Sweeter.”

Ayon kay Barbie, kahit na nasa tamang edad na siya, hindi pa rin daw ito kumportable na magkaroon ng kissing scene.

Barbie Forteza

Barbie Forteza

“Sabi po ng iba, ‘20 years old ka na. Puwede ka nang makipag-kissing scene!’ Pero teka lang po, hindi porke’t hindi na ako teen, puwede na akong gumawa ng gano’n agad-agad.

“Siyempre, inirereserba mo iyon para sa mas tamang project.

“Kailangan din nasa mas mature tayong edad at may right moment para sa mga ganyan,” diin pa ni Barbie.

Inisip din kasi ni Barbie na pambata at teens ang pelikula nila ni Ken, kaya hindi rin daw tama na bibigay siya agad sa isang kissing scene.

“Ito kasing ‘This Time I’ll Be Sweeter,’ pang-bagets ito. Para sa mga umaasa at pinapaasa. Kaya medyo mabibitin sila!” tawa pa ni Barbie.

“Wala mang kissing scene sa lips, pero bawing-bawi naman sa mga kilig moments itong movie. May ginawa si Direk Joel Lamangan na mga eksena dito na effective na pampakilig.”

Aminadong fangirl si Barbie ng Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz loveteam kaya tulad ng idol niya, naghu-hold back din ito sa mga kissing scenes.

“Si Sarah hindi siya agad-agad nagpapahalik at humahalik sa lips ng leading man niya, pero kilig pa rin.

“Kaya idol ko siya kasi nagawa niyang ma-keep ‘yung pagiging conservative niya kahit nasa right age na siya.

“Para sa akin, kapag mas binibitin mo ang audience, mas aabangan nila,” ngiti pa niya.

Papayag lang daw si Barbie na magpahalik sa big screen kapag nasa edad 25 years old na siya.

“Tamang edad na po sa akin iyon. Wala nang kokontra na mga fans siguro na nagpahalik ako.

“Tulad po ng sabi ko, nasa tamang timing, nasa tamang panahon,” pagtapos pa ni Barbie Forteza.

comments