Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Magandang Halloween costume

Magandang Halloween costume

by Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!


Hi Alex,
Dahil malapit na ang Halloween, balak ko po sanang magsuot ng Halloween costume para takutin ang boyfriend ko. Ano bang magandang suotin na siguradong mataakot ang boyfriend ko?

Che ng Alabang

Hi Che,
Magsuot ka ng maternity dress! Panigurado na matatakot yang boyfriend mo! Sa sobrang takot niyan, tatakbo yan at hindi na magpapakita sa’yo!


Hi Alex,
Nang bata pa ako, kapag nanunuod ako ng horror na palabas, may white lady at black lady.

Pero ngayon, napapansin ko, wala ng black lady at puro white lady na lang ang ginagamit. Bakit po kaya nawala ang black lady sa mga horror films?

Joko ng Lucena

Hi Joko,
Tinanggal ang mga black lady kasi nahihirapan silang manakot lalo na kung madilim. Isipin mo kung black lady ka at nagpapakita ka sa dilim, hindi ka makikita, hahalo ko sa dilim eh!

Minsan, mapagkakamalan ka pang poste o kaya puno. Yun ang dahilan bakit sila na-phase out!


Hi Alex,
Lagi ko na lang napapanuod sa mga horror films na ginagamit ang bawang panlaban sa aswang at bampira. Mabisa ba talaga ang bawang na panlaban sa mga masasamang nilalang?
Stacy ng Dau
Hi Stacy,
Oo, napakabisa ng bawang! Gaano kabisa, subukan mong kumain ng madaming bawang, wag kang ma-toothbrush! Sure ball, kahit normal na tao, lalayuan ka!

Hi Alex,
Nang nabubuhay pa ang nanay ko ay hindi kami madalas mag-usap. Alam namin na mahal namin ang isa’t isa pero hindi lang talaga kami expressive. Ewan ko ba kung ba kung bakit nakasanayan namin yun. Kaya ng namatay siya ng nakaraang buwan, sobra-sobra ang aking pagsisisi kung bakit hindi kami nagkausap ng madalas ng nanay ko.

Ang tanong ko po, may kilala po ba kayong albularyo o medium para tulungan akong makausap ang nanay ko sa kabilang buhay?

Paula ng Novaliches

Hi Paula,
Ngayon mo pa naisipan na kausapin ang nanay mo kung kelan namayapa na! Bakit ganyan kayo, kung kelan nawala saka niyo hahanapin! Kung kelan patay na, saka niyo gusto makausap at bigyan ng bulaklak!

May kilala akong medium at albularyo pero hindi ko irerekomenda sa’yo! Eh kung hindi sumagot ang nanay mo dahil kahit sa kabilang buhay, ayaw niya pa rin makipag-usap, eh di napahiya pa yung nirekomenda ko!

Saka ano naman pag-uusapan niyo? Kung nasaan siya? Nasa langit o impyerno? Anong suot niya? Ewan ko sa inyo!


Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

comments