Home » Sports » Silip » Hectic sked sa MJCI

Hectic sked sa MJCI

Tulad kahapon, patuloy pa rin ang guaranteed prize na P130,000 to the winners only ng sponsoring MJCI pero mas mahaba ang karerang didiskartehin natin ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park in Carmona, Cavite.

Thirteen races to be exact na kinapapalooban ng three sets ng WTA, two sets na Pick-6 at Pick-5, at ang tanging Pick-4 covering the usual last four races bukod siyempre sa mga exotic events like the DD+1 event, Race 1 starts at 2 p.m. today.
Kaya be there earlier kung nais ninyong sumali sa first set ng WTA na nagsisimula sa Race 1.

Paglipat ng karera sa Naic, Cavite sa Nov. 12 gaganapin naman ang P2-million Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup kung saan nominadong magsisitakbo ay sina Sakima, Hitting Spree, Messi, She’s Incredible, at Atomicseventynine.

Gayun din ang “2nd Leg 3 YO Imported Fillies Stakes Race’’ na nominadong magsisitakbo ang Already Feisty, Anino, Brilliance, Shukriya, at Smoking Saturday.

At ang P500,000 Philracom Sprint Tune Up na nakatokang itakbo sa Metro Turf na kung san magsisitakbo rin sina Brennero, Kapayapaan, Katana, at Song Of Songs.

Sa mga di nakadalo naman sa pakarera ng Metro Turf kahapon, ang first set ng WTA covering Races 1 to 7 ay nagbigay pa ng P1,459.60 at ang second set nito (R3-9) ay may premyong P3,125.40.

Nagsipanalo rito from Races 1 to 9 ay ang Follow Me, Gintong Lawin, Don ronaldo, Holly Bullra, Juliana’s Gold, Our Meteor, Graf, Musimusianone, at Princess Tin or combinations 5-5-1-2-5-3-2-6-2.

So there… Good luck, see you guys at Samson’s Billiard and/or at Obet Dela Paz OTB at Marick, Cainta.

comments