Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Construction worker binaril

Construction worker binaril

Patay ang isang construction worker nang pagbabarilin ng dalawang naka-motorsiklong lalaki habang hinihintay niya ang taong katatagpuin malapit sa kaniyang tahanan sa Quezon City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police Station 3 ang biktima na si Nestor Mangahas, 42, residente ng Mendez Street, Barangay Baesa, Quezon City.

Bago naganap ang insidente, sinabi ng live-in partner ng biktima na si Jenny Escallon sa mga imbestigador na nagpaalam sa kaniya si Mangahas na may katatagpuin siyang tao malapit sa kanilang bahay.

Sinabi ni Escallon na wala siyang idea kung sino ang imi-meet ng kaniyang partner at sa anong dahilan.

Ayon pa sa kaniya, nagulat na lamang siya bandang 8:30 p.m. nang may nagbalita sa kaniya na binaril ang kaniyang kinakasama.

Nang puntahan niya ang crime scene, nakita niya ang kaniyang partner na duguang nakahandusay at patay na sa Road 23, Barangay Bahay Toro.

Sinabi ng witnesses na dalawang lalaking nakasakay sa isang motorsiklo ang biglang lumapit kay Escallon at binaril siya sa likod ng ulo. (Alexandria San Juan)

comments