Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional News » ‘Bakwit’ may libreng tawag, text

‘Bakwit’ may libreng tawag, text

ILIGAN CITY, Lanao del Norte (PIA) – Pinangunahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang paglalagay ng Libreng Tawag at Text Services center na may kasamang mga cellular phones upang gamitin ng mga IDPs sa mga pangunahing evacuation centers sa dalawang lalawigan.

Ginanap ang naturang proyekto sa dalawang bayan sa Lalawigan ng Lanao del Norte at isang Bayan sa Lalawigan ng Lanao del Sur kamakailan.

Ang mga IDPs ng Gumampong Ali Cultural Center sa Munisipyo ng Balo-i, at sa Municipal Civic Auditorium sa Bayan ng Pantao Ragat, Lalawigan ng Lanao del Norte at sa Saguiaran Covered Court ng Saguiaran sa Lanao del Sur ang nabiyayaan ng naturang proyekto.

Unang pinuntahan at binuksan ang proyektong ito ng NTC at DICT sa Bayan ng Balo-i sa Lalawigan ng Lanao del Norte.

comments