Home » Entertainment » Beauty queen, nanganganib matanggalan ng korona

Beauty queen, nanganganib matanggalan ng korona

SINO itong pageant winner na nanganganib na matanggalan ng korona dahil sa walang sawang kaka-gimik sa gabi mula nang manalo ito?

Ilang linggo pa lang ang nakakalipas ng manalo ito ng isang pageant crown. Sa mata ng mga reporters na nagko-cover ng pageants, deserving talaga syang manalo dahil perfect looks at magandang attitude.

Makalipas ang ilang linggo, mukhang nagbabagong anyo na raw ang pageant winner na ito. Madalas ay lumalabas sa gabi ng walang paalam sa kanyang manager. Kung umuwi raw ito ay madaling araw na.

Sinabihan na siya ng manager niya na mag-behave pero mukhang tuloy-tuloy pa rin si pageant winner.

Ayon sa manager, pag hindi raw ito tumigil ng kakagimik sa gabi, malamang ay tanggalan na ito ng korona. Kung ipapalit si first runner-up sa kanya, marami rin ang matutuwa dahil deserving din si first runner-up na maging winner.

Sayang naman kung matanggalan ng korona si pageant winner. Sa kanyang looks ay malaki talaga ang kanyang chance to make it big in show business!

comments