Home » Entertainment » Sharon, may kalaban

Sharon, may kalaban

Sobrang nag-enjoy si Jeric Gonzales sa guesting niya sa “Super Ma’am.” Nag-aksiyun-aksiyunan kasi siya na aniya, dream niyang maging action star at wish niyang mabigyan siya ng GMA7 ng isang project na magpapamalas ng kakayahan niya.

15sharon n robin instagram copy

Gumanap si Jeric sa “Super Ma’am” bilang Isagani Dagohoy na naging kakampi ni Super Ma’am (Marian Rivera). Aniya, isang malaking karangalan na naging bahagi siya ng naturang GMA fantserye at nakatrabaho ang Kapuso Primetime Queen.

Ang bait daw ni Marian at very supportive sa co-stars niya.

Kasama si Jeric sa isang upcoming GMA primetime series na pangungunahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. First time niya makaka-work ang dalawa na ani Jeric, excited siya.

Natutuwa siya sa Biguel love team at naaalala niya ang love team nila ni Thea Tolentino. Umasa ang fans nila na magiging real life love team sila.

Naging boyfriend ni Thea si Mikoy Morales, pero break na sila. Jeric claims, wala siyang girlfriend. Pero crush niya si Janine Gutierrez. Hanggang crush lang daw dahil aware siyang si Rayver Cruz ang pinakamalapit sa puso ng dalaga.

Di kalaban

Tumanggi si Paolo Ballesteros nang sabihin ng isang reporter sa presscon ng “Barbi, D” Wonder Beki” na si Vice Ganda ang mahigpit niyang kalaban ngayon bilang komedyante.

Ani Paolo, hindi niya itinuturing na kalaban si Vice dahil magkaiba sila. Mas kilala raw siya bilang ka-triong komedyante nina Jose Manalo at Wally Bayola bilang Jowapao.

Mas gusto ni Paolo na makilala sila bilang bagong TVJ (Tito, Vic & Joey). Sabi nga ni Joey de Leon, Ang TVJ ay ipinanganak sa year of the dog, tiger at horse, gaya ng Jowapao. Parang pinagtiyap ng pagkakataon.

“Hindi n’yo ba napapansin, nakaupo na lang ang TVJ kapag nasa “Eat Bulaga” kami. Wala na halos kaming ginagawa at hinahayaan na lang namin sa pagpapatawa ang Jowapao. Si Paolo, malayong kamag-anak siya ng mga Sotto,” lahad ni Joey na co-star ni Paolo sa “Barbi, D’ Wonder Beki.” Showing ito on November 29

Sabay?

Kung matutuloy, sa November 29 din ang showing ng “ Unexpectedly Yours,” reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Ipinost ito ni Sharon sa social media.

Directed by Cathy Garcia-Molina, tampok din sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Kung totoong sabay ang showing ng “Barbi D’Wonder Beki” at “Unexpectedly Yours,” alin kaya ang mas panonoorin ng madlang pipol? Magandang abangan.

comments