Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Takot sa ‘extra service’

Takot sa ‘extra service’

By: Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,
Kaka-break ko lang sa boyfriend ko. Limang taon din ang relasyon namin. Nakipag-break ako sa kanya kasi may nangyari sa kanila ng bestfriend ko! Nagpapaliwanag ang boyfriend ko na lasing lang daw siya kaya may nangyari sa kanila ng bestfriend ko. Hindi niya raw matandaan ang nangyari dahil sa sobra niyang kalasingan. Linasing daw siya sobra ng bestfriend ko. Maniniwala ba ako sa kanya Tito Alex? Totoo bang kapag lasing ang lalake hindi niya alam ang mga ginagawa niya?

Wena ng Marikina

Hi Wena,
Isang malaking kasinungalingan yan na laging ginagawang mga dahilan sa mga pelikula at mga teleserye! Palusot lang ng boyfriend mo na wala siyang matandaan! Kapag lasing ang lalake, hindi na makakakilos yun at matutulog na lang! Anong hindi matandaan! Ano, natutulog ang boyfriend mo at yung si birdie na lang niya ang kusang kumilos mag-isa! WOW!

Natutulog siya at ang gising na lang ay ang kanyang birdie at ito ang nakipag-sexy time sa bestfriend mo! Tigilan ako ng boyfriend mo! Tama lang na nakipag-break ka sa kanya!

Hi Alex,
Madalas akong magpamasahe sa ibat’ibang spa sa Metro Manila. Ginagawa ko ito para makumpara ko kung sino ang magagaling na masahista at sino ang hindi. Kakasimula ko pa lang at mga 5 spa pa lang ang napupuntahan ko. Ang kinakatakutan ko lang ay baka ang mapasukan ko ay ang spa na may extra service. Paano ko ba malalaman kung ang spa ay may extra service?

Poldy ng Quiapo

Hi Poldy,
Pagdating sa mga spa na may extra service, wala akong masyadong experience dyan. Pero may mga kaibigan akong nagpunta na sa mga ganyang spa. Inuulit ko, naikwento lang sa akin ng mga kaibigan ko ito at walang akong first hand na experience. Malalaman mo pa lang na ang spa ay may extra service kung ang receptionist pa lang na sasalubong sa’yo ay may itsura na. Pagpasok mo sa kwarto, papahubarin ka agad ng lahat ng damit mo. Pagdating ng masahista mo, may itsura at ubod ng bango. At ito ang pinaka-ebidensiya, hindi marunong magmasahe ang masahista mo! Ganyan-ganyan ang nangyari sa akin este sa kaibigan ko ayon sa kwento niya!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments