Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional News » Market helper sinaksak

Market helper sinaksak

Isang public market helper ang malubhang nasugatan nang saksakin ng isang hindi kilalang lalaki habang natutulog sa tapat ng isang lumang barangay outpost sa Malabon City noong Sabado ng umaga.

Ayon kay Police Officer 3 Julius Mabasa, investigator on case, dalawang saksak sa dibdib ang tinamo ni Nestor Navarro, 46, ng Barangay Tañong, Malabon City. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa Tondo Medical Center.

Ayon sa police, na kalalabas lamang ni Navarro sa kulungan noong nakaraang September. Isa at kalahating taon siyang nakulong dahil sa drug case. (Kate Louise Javier)

comments