Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Boy, 15, patay sa riot

Boy, 15, patay sa riot

Patay ang isang 15-year-old boy matapos masaksak sa riot ng dalawang magkaribal na grupo ng kabataan sa Port Area, Manila, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa police, dead on arrival ang biktimang si Gary Oliveros, isang out-of-school youth at residente ng Baseco Compound, matapos saksakin ng suspect na kilala lamang sa alias na Jodi, 17.

Base sa police report, naganap ang riot sa pagitan ng grupo na pinangungunahan ni Oliveros at samahan ng suspect dakong 2 a.m. sa loob ng Baseco Market. Ilang sandali pa nahigitan ng grupo ng suspect ang grupo ni Oliveros.

Sa gitna ang labanan, hinataw ng suspect ang ulo ni Oliver gamit ang isang piraso ng kahoy bago niya ito sinaksak ng dalawang beses sa likod.

Kasalukuyan nagsasagawa ng follow-up operation ang police. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments