Home » Entertainment » Ejay wished Paolo was a real woman

Ejay wished Paolo was a real woman

By RUEL J. MENDOZA

SOBRANG na mesmerized ang Kapamilya hunk na si Ejay Falcon sa pakikipagtrabaho niya for the first time kay Paolo Ballesteros sa pelikulang “Barbi D’Wonder Beki.”

21ejay instagram copy

Kapag nakapag-ayos na at full makeup na raw si Paolo para sa mga eksena nila sa pelikula, nagugulat na lang daw si Ejay sa kakaibang transformation nito.

“Para siyang Victoria’s Secret model. Iba ang dating ni Paolo. Kahit sinong lalake mapapansin ang ganda niya.

“Kung hindi ko lang siya kilala as Paolo Ballesteros, aakalain kong tunay na babae siya talaga.

“Sana nga naging babae na lang siya sa totoong buhay. Kaso nga lang…” tawa pa ni Ejay.

Pero kapag lalake naman daw si Paolo, ang guwapo din naman daw nito.

“Unfair nga, eh. Puwede si Paolo sa dalawa.

“Kapag babae siya, ang ganda niya. Kapag lalake siya, ang guwapo naman.

“Nung magkuwentuhan kami si Tito Joey (de Leon), nagbiro ito na si Paolo, sana naging babae na lang kasi makakalaban ko pa raw sa pambabae si Paolo kapag naging naging lalake pa siya!” tawa pa niya ulit.

Bilib din si Ejay sa hirap at tiyaga ni Paolo sa kanyang role bilang Barbi.

Ilang oras daw itong nakaupo para lang mag-make-up at ma-perfect nito ang maging isang babae sa movie.

“Hindi ko kaya ang ginagawa niya, sa totoo lang.

“Almost three hours siyang nakaupo para lang mag-ayos. Tapos kailangan magpalit ulit siya ng iba.

“Tsaka may fight scene pa rin siya dito na walang dobol. Kaya bilib talaga ako kay Paolo.

“Kahit mga gano’ng eksena, kaya niyang gawin. Sobra ang pagiging mahusay niya sa lahat ng bagay.

“Mamahalin mo si Paolo sa pagiging dedicated niya sa trabaho.

“Kaya masarap katrabaho ang ganyang mga artista na tulad niya kasi marami kang matutunan,” pagtapos pa ni Ejay Falcon.

comments