Home » Entertainment » Ellen Adarna, buntis

Ellen Adarna, buntis

HINDI naman nakapagtataka o nakakagulat na buntis si Ellen Adarna, courtesy of John Lloyd Cruz. Parati silang magkasama sa mga bakasyon nila here and abroad.

21ellen instagram copy

Ang tanong ng madlang pipol, pakasalan kaya ni John Lloyd si Ellen? In any case, natupad ang plano ni Ellen na gusto niyang magkaanak bago siya mag-thirty years old. Twenty-nine siya ngayon at sakto lang na kapag 30 na siya, isa na siyang ganap na ina.

Nakita na

Finally, nakita na rin ni Robin Padilla ang apo niyang si Alas. Isinama ni Kylie Padilla ang bagets sa 1st birthday celebration ng half-sister niyang si Isabella, anak ng kanyang papa Robin at tita Mariel Padilla. Tuwang-tuwa si Robin noong nakita niya ang kanyang apo.

Hindi kasama ng mag-inang Kylie at Alas si Aljur Abrenica. Ano kaya’ng naging scenario kung nagkaharap sina Robin at Aljur?

Invited naman kaya si Aljur? O, naduwag lang siyang sumama sa kanyang mag-ina?

Pasasaan ba’t magkakaayos din sina Robin at Aljur. Effort pa more, Aljur. Knows mo naman kung ano’ng gustong mangyari ni Robin. Pakasalan mo si Kylie.

Kinarir

Talagang kinarir ni Rocco Nacino ang pag-rampa sa nakaraang underwear fashion show ng isang clothing line. Umagaw ng pansin ang “Haplos” star nang rumampa siya sa stage na naka-underwear.

First time ‘yun ni Rocco na magpakita ng halos hubad niyang katawan. Kinarir niya talagang maging physically fit.

Months prior sa underwear fashion show, kahit busy si Rocco sa taping ng “Haplos,” talagang isinisingit niya ang pag-wo-work out sa gym.

Samantala, kaabang-abang ang mga kaganapan sa “Haplos.” Paigting nang paigting ang mga episode na dapat tutukan.

Di isyu

Hindi isyu kay Paolo Ballesteros kung magkasabay ang showing ng “Barbie: D ‘Wonder Beki” at “Unexpectedy Yours” nina Robin Padilla at Sharon Cuneta on Nov. 29. Ani Paolo, magkaiba naman ng tema ang dalawang pelikula. Ayaw niya ma-pressure o ma-stress at wish niyang sana’y parehong tangkilikin ng moviegoers ang dalawang pelikula.

Showing naman this Wednesday ang “Trip: Ubusan The Lolas vs. Zombies” na kasama naman ni Paolo sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Napasabak sila sa action scenes na anila, mahirap dahil nakadamit pambabae sila. Bukod sa bakbakan, may habulan pa.

Siyempre, may kahalong comedy at drama ang “Trip: Ubusan The Lolas vs. Zombies.” Kumpletos rekados, ‘ika nga! Saan ka pa?

comments