Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional News » 2 bata patay sa sunog

2 bata patay sa sunog

Bansud, Oriental Mindoro – Nalitson ang 2 bata rito matapos matupok ang kanilang bahay Biyernes sanhi ng sunog.

Kinilala ni Chief Insp. Imelda Tolentino, spokesperson ng MIMAROPA (Mindoro Oriental and Occidental, Marinduque, Romblon and Palawan) regional police, ang mga nasawi na sina Robert Areglado, 4, at ang kapatid nito na si Rose Ann, 3.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang iba pa nilang kaanak na sina Romano Areglado, Cecilia Areglado and Emma Areglado.

Base sa report ng pulisya, nagsimula ang sunog bandang alas-8 ng umaga.

“But it was only reported to the local fire station at 9 a.m.,” ani Tolentino.

Walang natira sa bahay makaraan ang humigit kumulang dalawang oras na pagliliyab.

“The house was made of wood. It was totally destroyed,” dagdag pa ni Tolentino.

Hindi pa natutukoy ang pinagsimulan ng sunog. (Aaron Recuenco)

comments