Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Hindi makita si Invisible Man

Hindi makita si Invisible Man

by Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!


Hi Alex,

Tumataba na ako at natatakot ako na baka maghanap ng mas sexy ang mister ko. Lahat na ng diet pills ininom ko at lahat ng klase ng diet ay sinubukan ko pero walang nagwo-work. Nag-south beach diet na ako, nag-keto pero walang effect! Nag-gym na ako, running, walking pero wala rin. Ano ba ang gagawin ko para pumayat?

Mely ng Pasong Tamo

Hi Mely,

Kumakain ka ng maduming pagkain at uminom ng maduming tubig. Hintayin mo na magka-diarrhea ka. Pinaka-effective yan! Ako nga tatlong araw lang na nagka-diarrhea, pumayat ako ng 10 pounds. Ulit-ulitin mo ito tatlong beses sa isang lingo. Delikado sa kalusugan pero at least papayat ka!


Hi Alex,

Bagong lipat kami sa bago naming pinatayong bahay. Dahil malayo ang gate sa main house, naglagay kami ng door bell sa gate. Ang problema, madaming mga tambay sa lugar namin ang pinagtri-tripan kami at pinipindot ng pinipindot ang door bell namin. Nakakainis dahil minsan natutulog ka sa hapon, may magdo-door bell. Minsan naman sa hatinggabi. Ano kaya ang magandang solusyon para matigil sila sa pagtri-trip sa door bell namin?

Jovy ng Kalayaan

Hi JP,

Nabiktima rin ako niyan pero ginawa ako na nagpatigil talaga sa kalokohan ng mga tambay sa amin. Lagyan mo ng kuryente yung door bell mo, sigurado madadala yang mga tambay nay an at hindi na uulit! Of course makukuryente din yung mga bisita niyo at mainsan, kapag nakalimutan mo, pati ikaw makukuryente rin. Pero at least, solve na ang problema mo!


Hi Alex,

Nasaan na po ba si Invisible Man. Hindi po kasi siya kasali sa Justice League at wala rin siya sa Avengers. Ano po ba ang nangyari sa kanya?

Melchor ng Novaliches

Hi Melchor,

Hindi ko lang alam kung buhay pa siya. Kasi ang balita, nabunggo siya ng bus kasi nga hindi siya nakita. Hindi nga lang alam kung saan tumlasik ang katawan niya. Kaya minsan kapag naglalakad ka at bigla kang natisod at hindi mo nakita kung saan ka natisod, si Invisible Man yun.


Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

comments