Home » Entertainment » Aktres, mahilig mag-ampon ng aso’t pusa

Aktres, mahilig mag-ampon ng aso’t pusa

Naibigay na kaya ni Boobay ang ipinangako niyang TV set sa fan ni Sanya Lopez? Nag-guest ang mga ito sa “Celebrity Bluff” kung saan isa si Boobay sa bluffers.

Untitled-4 copy

Hiling ng fan ni Sanya na magkaroon ng TV set para maipadala niya sa tatay niya na nasa probinsiya.

Sabi ni Boobay, nakaka-relate siya dahil wala silang TV set noon at nakikipanood lang sila sa kapitbahay nila. Kaya pinangakuan niya ang fan ni Sanya na bibigyan niya ito ng TV set.

Reaction ng mga nakapanood, kayang-kaya naman daw bigyan ni Sanya ng TV set ang kanyang fan, bakit daw hindi na lang siya ang nagbigay? Ito ang pinakamalapit sa kanya at pinakamalakas sumigaw (tumili) sa mga event na pinapuntahan niya.

Baka naman ‘yung cash prize na napanalunan nila ay ibinigay na lang ng “Haplos” star sa kanyang fan?

Anyway, mukhang nahawa na si Booby sa friend niyang si Marian Rivera sa pagiging generous. Marunong din siyang mag-share ng blessings.

Noong na-stroke si Boobay ay sinagot ni Marian ang kanyang hospital bill na umabot sa P1 million.

Sagot naman ni Marian ang wedding gown ni AiAi delas Alas na ikakasal kay Gerald Sibayan on December 12. Nagpa-bridal shower pa si Super Ma’am para kay AiAi.

Christian wedding

Tulad ni Rocco Nacino, registered nurse rin si Pancho Magno, co-star niya sa “Haplos.” Bago nag-showbiz si Pancho ay nakapagtrabaho siya sa isang hospital.

Noong nag-showbiz siya, nag-resign si Pancho dahil mas enjoy siya sa pag-aartista. Sa Dec. 11 ang Christian wedding nila ni Max Collins na gaganapin sa isang hotel.

Siyempre, principal sponsors ang GMA executives. Bahagi rin ng entourage ang ilang male cousins at friends ni Pancho, gayun din sina Andrea Torres at Rochelle Pangilinan na female friends ni Max.

Anak si Pancho ng GMA executive na si Ms. Redgie Magno. Magpapatuloy pa rin si Max sa showbiz kahit may asawa na siya. Kasama siya sa isang upcoming GMA series.

Pet lover

Advocacy ni Heart Evangelista ang pangangalaga sa mga hayop na walang permanenteng tirahan o tagapag-alaga. Kaya naman nang may nakita siyang asong pagala-gala sa set ng “My Korean Jagiya,” inampon niya ito.

Hindi lang aso ang inaampon ni Heart, pati pusa. Basta may nakita siyang pakalat-kalat na pusa o aso, inaampon niya.

O, di kaya naman, ipinaaampon niya ang mga ito sa mga gustong mag-alaga ng aso o pusa.

comments