Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » 400 traffic enforcers kailangan ng MMDA

400 traffic enforcers kailangan ng MMDA

Nangangailangan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng karagdagang traffic enforcers para mapunan ang slots ng mga na-dismiss na tauhan dahil sa iba’t ibang kasong administratibo.

Sa nakalipas na mahigit na anim na buwan, sinabi ni Roy Taguinod, MMDA traffic discipline office head, umabot sa 130 traffic enforcers ang naalis sa serbisyo magbuhat ng umupo si Danilo Lim bilang chairman ng ahensiya ng kasalukuyang taon.

“These errant traffic enforcers were involved in extortion, illegal activities while some failed to report for work and opted to go AWOL (absent without leave), automatically, they were dismissed from service,” pahayag ni Taguinod sa radio program ng ahensiya sa DZBB.

Sinabi ni Taguinod na 400 slots ang bukas para sa mga gustong maging traffic personnel sa Metro Manila.

Para maging qualified, sinabi ni Taguinod na ang aplikante ay dapat nakaabot ng second year level o nakakuha ng 72 units ng anumang kurso sa college at malusog ang pangangatawan.

Para sa height requirement, ang lalaking aplikante ay dapat may taas na 5’4” at ang babae naman ay 5’3.”

“Applicants will undergo screening and rigid training for 15 days for them to develop a positive work attitude in the field,” sabi ni Taguinod.

Ang training seminar para sa traffic enforcers ay naka-focus sa epektibong traffic management, values formation, at communication skills.

Pinayuhan ang applicants na huwag tangkaing mag-submit ng fake documents tulad ng school records dahil magsasagawa ang ahensiya ng background check bilang bahagi ng hiring process. (Anna Liza V. Alavaren)

comments