Home » Entertainment » Robin, nag-ampon ng taong grasa

Robin, nag-ampon ng taong grasa

KATUWA ang revelations ni mommy Eva Cariño tungkol sa anak niyang si Robin Padilla noong nag-guest sila sa “Magandang Buhay.” Ani mommy Eva, likas na mabait, matulungin at maawain si Robin.

7robin n eva magandang buhay instagram copy

Noong kabataan ni Robin, nagugulat na lang siya sa mga pinaggagagawa nito. Minsang umuwi ito ng bahay galing eskuwelahan ay wala itong damit na pang-itaas. Ibinigay pala ni Robin sa isang bata dahil nakita niya na wala itong damit.

Minsan naman daw ay umuwi si Robin na may nakabalot na kuting na napulot daw nito. Sinabi raw niya na hindi ito mabubuhay dahil wala itong nanay na magpapadede. Nagpabili raw si Robin ng milk bottle at pinadodo ang kuting.

Nag-ampon din daw si Robin ng isang taong grasa. Ayon sa kuwentong nakarating kay Robin, napasukan ng butil ng rosaryo ang isang tenga nito. Suspetsa raw, ‘yun ang dahilan kaya nagka-diperensiya ito sa pag-iisip, nagpagala-gala na mistulang taong grasa.

Napag-alaman ni Robin na may kaya ang pamilya nito. Naipagamot ng mga ito ang taong grasa.

Kuwento pa ni mommy Eva, minsan naman ay may nadaanang matandang lalaki si Robin. Ipinahinto nito ang sasakyan at binigyan ng pera ang matanda.

Itinanggi ni mommy Eva na pinakapaborito niyang anak si Robin. Aniya, pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga anak niya. Pinakamalambing lang si Robin.

Bilang isang ina, pinakamasakit at pinakamahirap kay mommy Eva ay noong nakulong si Robin. Aniya, halos gabi-gabi ay hindi siya makatulog sa pag-aalala sa kalagayan ni Robin. Awang-awa siya kapag dinadalaw niya ito. Ang sikip, ang liit ng tulugan ni Robin na kasya lang ang katawan niya.

Ayon kay Robin, noong nakulong siya ay nakapagpatayo siya ng tatlong rehabilitation centers sa tulong ng mga kapwa niya inmates noon. Ipinaglaban niya ang pagsugpo sa mga drug addict na inmates.

May kilig pa rin

Mas may kilig ang pagkikita recently nina Heart Evangelista at Jericho Rosales sa isang event, kesa noong nagkita sina Heart at Daniel Matsunaga sa isa ring event.

Parehong ex-boyfriends ni Heart sina Jericho at Daniel. May clamor ang fans na sana’y magkasama sa isang project sina Heart at Jericho. Si Jericho ang “greatest love” ni Heart, aniya sa mga interbyu noon sa aktres.

Iniwan lang niya noon si Jericho dahil tutol ang parents niya sa aktor.

comments