Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Salvage victim, natagpuan

Salvage victim, natagpuan

By Erwin Beleo

SAN FERNANDO CITY, La Union – Isang bangkay na pinaghihinalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa kahabaan ng Barangay Albut dito.

Ayon kay Senior Inspector Antonio Marzanm, nakilala ang biktima na si Aprille H. Pejo, 17 anyos na nakilala dahil sa kaniyang “smile now cry later” tattoo sa kaniyang kanang kamay.

Si Pejo ay isang out-of-school youth na nasangkot sa ilang mga robbery cases sa siyudad.

Ayon sa pulisya, posibleng namatay ang biktima sa pananakal dahil na din sa nakitang itim na plastic strap sa kaniyang leeg.
Iniimbestigahan naman ng awtoridad ang posibilidad na si Pejo ay kasama ni Johnver Valdez, ang isa pang 17 anyos na natagpuan din ang bangkay noong July 17 sa Barangay Calabugao.

comments