Home » Entertainment » Timing » Asawa ng aktor, nagselos kay Sanya Lopez

Asawa ng aktor, nagselos kay Sanya Lopez

by Rowena Agilada

ROCCO Nacino and Sanya Lopez

ROCCO Nacino and Sanya Lopez

Mas lalo silang na-in love sa isa’t isa ni Max Collins ngayong kasal na sila, ani Pancho Magno nang nakausap namin sa taping ng “Haplos.” Kuwento niya , the night before ng kanilang wedding ay magkasama sila ni Max at nag-usap tungkol sa magaganap nilang kasal. Hindi sila naniniwala na bawal sa mga ikakasal ang magkita a day or the night before ng wedding. Matandang kasabihan lang ‘yun na ani Pancho, hindi sila traditional couple.

Postponed muna ang kanilang honeymoon dahil pareho silang busy sa work. Busy si Pancho sa taping ng “Haplos,” may upcoming GMA series naman si Max.

Ani Pancho, sa Venice,Italy ang nakaplano nilang honeymoon at gusto niya, 2 to 3 years. “Gusto ko, pareho kaming walang iniintinding trabaho. ‘Yung sa amin lang talaga ang oras namin para sa isa’t isa,”he said.

Three kids ang gusto ni Pancho, five naman ang gusto ni Max. For now, sa house ni Max sila nakatira kasama ang younger brother nito.

Naikuwento pa ni Pancho na nagselos si Max kay Sanya Lopez na kasama niya sa “Haplos.” Maraming televiewers ang gustong magkatuluyan sina Benedict at Angela, respective names nila sa “Haplos” kesa kina Sanya at Rocco Nacino ( Gerald).

Hindi inakala ni Pancho na magki-klik ang tandem nila ni Sanya. Ang wife niyang si Max Collins ay nagsabing bagay sila ni Sanya na may kahalong selos. “Ayoko na! Bagay kayo,”sabi raw nito sa kanya (Pancho).

Friends
Nakausap din namin si Sanya Lopez sa taping ng “Haplos” na naka-prosthetics make-up. Aniya, it takes two hours ang paglalagay ng prosthetics sa mukha’t mga kamay niya. One hour naman ang pagtanggal at masakit , kaya dusa siya.

Asked kung kailan matatanggal ang sumpa sa kanya ni Lucille (Thea Tolentino) , abangan na lang daw dahil may panibagong sumpa na kawindang-windang.

Kumusta naman sila ni Rocco Nacino? “Friends pa rin kami. Suportado namin ang isa’t isa,”ani Sanya. Aniya pa, nakabili siya ng lote sa Tagaytay . Magkakatabi sila ng loteng nabili nina Rocco ,Ruru Madrid at Carlo Gonzales.

Napanood ba niya ang pag-rampa ni Rocco sa underwear fashion show ng isang clothing line? “Hindi. Nasa dressing room ako dahil bawal kaming makita ng audience kapag may ibang rumarampa sa stage. Sa social media ko lang nakita ang picture ni Rocco. Puwetmalu (laughs),”ani Sanya. Naka-t-back ( or thong ba?) si Rocco na kita ang kanyang puwet.

comments