Home » Entertainment » Andrea lines up travel plans 2018

Andrea lines up travel plans 2018

By Ruel J. Mendoza

Ang mag-travel sa iba’t ibang bansa ang gustong gawin ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa pagpasok ng 2018.

Sa katunayan ay nakahanda na raw ang kanyang magiging hashtag na #Travels2018.

Lahat daw ng mga kinita ni Andrea mula sa kanyang mga shows ay inipon niya para sa pagbiyahe niya.

28andrea copy

“Four countries ang gusto kong puntahan next year. Australia, Guam, Maldives at Japan.

“Mahilig kasi ako sa beach kaya destination ko ang Australia, Guam at Maldives dahil sa magagandang beaches nila.

“Tsaka nasa Guam din ’yung brother ko kaya bibisitahin ko siya roon.

“Sa Japan naman, naka-schedule ako doon for Halloween naman.

“Nakikita ko kasi sa post ng ibang friends ko sa Instagram na ang gandang mag-Halloween doon.

“Ang cute ng mga costumes nila. Feel kong sumali sa cosplay at i-post sa IG Stories!” sey ni Andrea.

Ngayon lang daw naisip ni Andrea na mag-travel dahil busy siya sa work.

“Mahilig talaga akong mag-save. Di naman ako maluhong tao kasi. Kapag may extra blessing tayo, medyo nagse-splurge ako pero kasama dun ang pag-treat ko sa family ko.

“Never na sa akin lang. Dapat kasama ’yung parents ko at mga kapatid. Pero next year, gusto ko namang subukan mag-travel nga.

“Kaya ako di ko ginalaw yung mga TFs ko from “Alyas Robin Hood” at “Bubble Gang.” Parang nagkaroon ako ng travel fund.

“Kaya nakaipon tayo ng bongga. So nag-book na ako ng dalawang biyahe ko for next year,” ngiti pa ni Andrea.

Si Andrea pala ang third party sa Vic Sotto-Dawn Zulueta team-up sa 2017 Metro Manila Film Festival official entry na “Meant To Beh.”

Big honor for Andrea to work with both Vic and Dawn.

“Sobrang nakakatawa ang scenes namin, lalo ’yung catfight namin ni Ms. Dawn. Sobra siyang game kaya ang sarap niyang kaeksena,” pagtapos pa ni Andrea Torres.

comments