Home » Entertainment » Aktor, ibinuko ng beauty queen

Aktor, ibinuko ng beauty queen

ANO kayang reaction ni Coco Martin na ibinuko siya ni Kylie Versoza? Sa guesting ng Miss International 2016 sa “Tonight with Boy Abunda,” tinukso si Kylie ni Boy Abunda kay Coco dahil parehas daw silang single.

Untitled-10 copy

“I think, he’s taken,” ani Kylie. Hindi naman niya sasabihin ‘yun kung wala siyang alam sa personal life ni Coco na nakatrabaho niya sa “Ang Panday.”

Sana’y tinanong ni Boy si Kylie kung kilala ba niya kung sino o kung si Julia Montes ba ‘yun? Kahit walang pag-amin mula kina Coco at Julia, sinasabi ng mga taong nakakaalam na may relasyon sila.

Inamin naman ni Kylie na she’s dating someone.

Umiwas kaya?

May upcoming teleserye si Julia Montes sa ABS-CBN titled “Asintado.” Ang ganda ng teaser at mukhang interesting ang show. Umiwas kayang muli si Julia kapag natanong siya sa presscon tungkol sa estado ng relasyon nila ni Coco?

Tampok din sa “Asintado” sina Shaina Magdayao, Paulo Avelino, Aljur Abrenica at ang balik-Kapamilya na si Lorna Tolentino.

Fake news

Fake news daw ‘yung diumano’y nakabuntis si Mark Anthony Fernandez ng dalawang babaeng pulis noong nakulong siya sa Angeles City Jail.

Pinabulaanan ito ng reporter na si Ate Nene Riego, ninang sa binyag ni Mark. Tinext niya si Alma Moreno, mama ni Mark at sagot nito na hindi totoo ang balita.

Kalalabas lang ni Mark sa kulungan, may kontrobersiya agad sa kanya. Wish ng mga taong nagmamahal sa kanya na maging maayos na ang lahat ngayong nakalaya na siya. Sana’y makabalik na rin siya sa trabaho.

Naiba?

Parang may naiba sa mukha ni Jessy Mendiola noong napanood namin siya sa TV Patrol. Parang naiba ang hugis ng kanyang mga mata at ilong. Hindi kaya dahil lang ‘yun sa kanyang make-up?

Ipinakita ‘yung old clips ng mga interbyu noon kay Jessy, kaya napansin namin ang pagkakaiba ng itsura niya noon at ngayon. In fairness, mas gumanda si Jessy.

Natanong siya kung willing ba siyang makatrabahong muli ang ex-boyfriend niyang si JM de Guzman? Ani Jessy, walang problema sa kanya. She’s happy for him ngayong nagbabalik-showbiz si JM.

Kung happy si Jessy sa relasyon nila ni Luis Manzano, balitang si Meg Imperial naman ang nagpapasaya ng puso ni JM.

Napapanood si Meg sa “Super Ma’am” sa GMA Telebabad.

comments