Home » Entertainment » Miss World PH 2016 Catriona Gray tries her luck with Bb. Pilipinas 2018

Miss World PH 2016 Catriona Gray tries her luck with Bb. Pilipinas 2018

Untitled-9 copy

By RUEL J. MENDOZA

KUMPIRMADO ang pagsali na ng former Miss World Philippines Catriona Gray sa Binibining Pilipinas 2018.

Lumaban sa Miss World 2016 si Catriona pero hindi siya sinuwerteng mapanalunan ang korona. 

Nakapasok siya sa Top 5. Pero di niya nakuha ang First and Second Princess spot. Si Miss Puerto Rico Stephanie Del Valle ang nanalo.

Marami ang nanghinayang dahil beauty and brains pa naman daw si Catriona. Kaya marami ang nag-udyok sa kanya na muling sumali ng ibang beauy pageant.

Ngayon, pagkatapos ng isang taong pamamahinga, join ulit si Catriona at marami ang nagdarasal na makuha nito ang titulong Miss Universe Philippines.

Bagay kay Catriona ang maging representative ng Pilipinas sa 2018 Miss Universe. Pasok na siya sa height at pati sa kurba ng katawan.

Pasok din sa social media si Catriona kaya puwede na siyang mag-top sa botohan kung saka-sakaling manalo siya ng Miss Universe Philippines.

Heto ang pinost ni Catriona sa kanyang Instagram account:

“Are you ready for it? 💥 Today marks the reveal of an evolution of self that has been quietly happening away from the public’s eye for a little while now. It was in no way planned, but sometimes the stars align to make things happen.

✨✨✨ Maraming Salamat sa inyong tiwala at sana samahan niyo ako sa aking bagong paglalakbay. 🙏 #CatrionaBBP2018 #CatGanern”

comments