Home » Entertainment » Julie Anne, may ibabahagi sa kanyang concert

Julie Anne, may ibabahagi sa kanyang concert

Hindi pa rin maka-move on si Julie Anne San Jose sa naganap na concert nila nina Regine Velasquez at Christian Bautista, “3 Stars I Heart” sa Waterfront Hotel sa Cebu last January 20.

26Julie Anne San Jose (2) copy copy

First time niyang nakasama ang mga iniidolo niyang singers na ani Julie Anne, “Surreal. Overwhelming experience.

Hindi pa rin ako makapaniwala.”

This Saturday (January 27), may pre-Valentine concert si Julie Anne na gaganapin sa Music Museum. Billed #Julie, special guest si Michael Pangilinan.

Ayon kay Julie Anne, stages of love ang concept ng concert mula sa getting to know, relationship, lover’s quarrel, breaking-up hanggang moving on.

“It’s going to be an intimate celebration with the people who have been with me since the beginning. It’s very personal because I will be sharing some of the songs that I’ve written,” she said.

Kasama sa kakantahin ni Julie Anne ang latest single niya, “Nothing Left.” Nag-number 1 ito sa iTunes Philippine charts. Sa spotify ay ito ang pinakapaboritong i-stream ng kanyang fans, kaya super happy si Julie Anne sa suporta ng mga ito.

Asked kung ano’ng stage na ang relasyon nila ni Benjamin Alves, speechless at smile lang si Julie Anne. Aniya, manonood ito ng concert niya sa Music Museum.

Sa aura ngayon ni Julie Anne, obvious na so much in love at inspired siya.

Blessed

Parang walang kapaguran si Andre Paras. Tatlo ang shows niya sa GMA7, “Sunday Pinasaya, “ “Sirkus” at “Sherlock, Jr.”

Nagte-training pa siya sa basketball at kasali siya sa PBA D-League. Nag-aaral pa siya online. Gusto niyang maging scriptwriter.

Ani Andre, feeling blessed siya sa mga trabahong ibinibigay ng Kapuso Network. Nagsa-suffer nga lang ang lovelife niya na hindi niya mabigyan ng oras.

Kahit can afford na si Andre mamuhay nang solo, ayaw niyang humiwalay ng tirahan sa kanyang daddy Benjie Paras at pamilya nito. “ I love my family. Sila ang inspirasyon ko. At saka, libre ako sa gastos (laughs),” ani Andre who plays Pido in “Sherlock, Jr.” na mapapanood simula sa January 29 after “24 Oras” sa GMA Telebabad.”

Pasabog

May malaking pasabog sa finale episode ng “Super Ma’am” ngayong Biyernes. Hitik sa aksiyon at maiinit na mga tagpo ang dapat abangan.

Tutok lang sa “Super Ma’am” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telababad.

comments