Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Flower for Valentine’s

Flower for Valentine’s

by Alex Calleja

Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!


Hi Alex,

Sa darating na Valentine’s Day, malamang bibigyan na naman ako ng boyfriend ko ng flower. Opo, tama po, flower! Kasi isa lang ang flower na binibigay niya sa akin tuwing Valentine’s Day! Ang sabi niya, kaya isa lang ang flower na binibigay niya sa akin dahil ang ibig sabihin nun – “Only One” at “The One.” Totoo po ba yun Tito Alex?

Candy ng Dagupan

Hi Candy,

Hindi totoo yun! Ang ibig sabihin ng isang flower, nagtitipid, walang pera, at mura! Sabihin mo sa boyfriend mo tigil-tigilan ka niya! Pag isang flower ulit ang binigay sa’ yo, wag mong ibigay ang flower mo!


Hi Alex,

Bakit may mga pasahero sa jeep na ang hihimbing ng tulog! Halos araw-araw kapag sumasakay ako ng jeep, may natutulog ng mahimbing! Hindi ba sila natatakot na lumagpas sa bababaan nila. Bakit may mga pasaherong ang lalakas ng loob matulog sa jeep?

Marco ng Sta. Mesa

Hi Marco,

Alam mo kung bakit may mga natutulog ng mahimbing sa jeep? Kasi tayong mga Pinoy, may mga kakaibang power tayo! Kahit mahimbing ang tulog natin, alam natin kung saan tayo bababa! Biglang magigising tayo, eksakto sa bababaan natin! Tried and tested yan! Kaya ikaw, matulog ka rin at wag kang pakialamero!


Hi Alex,

Nakakainis Tito Alex! Nadukutan na naman ako habang nasa bus ako! Ilang beses na akong nabibiktima ng mga mandurukot! Nang nakaraang taon, halos buwan-buwan akong nadudukutan! Ano bang meron sa akin at lagi akong nadudukutan?

Hancel ng Malabon

Hi Hancel,

Gusto mo ba talaga malaman kung bakit? Huwag kang masasaktan ha? Galing ito mismo sa kaibigan kong madurukot (huwag mo na tanungin kung bakit ako may kaibigang mandurukot). Meron kasing mga qualification para maging biktima ka ng mandurukot. May seminar ang mga madurukot at pinapaliwanag sa kanila kung sino ang mga bibiktimahin. Dapat ang mga qualification ay ang mga sumusunod:

1. Tulala
2. Malalim ang iniisip
3. Mukhang tatanga-tanga

Kung madalas kang mabiktima, malamang pasok ka sa qualification nila. Pwedeng isa lang, pwedeng yung tatlo. Evaluate mo ang buhay mo!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com o facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.

comments